Aloe vera gel
ALOE VERA GEL - Malawakang ginagamit ang katas ng sabila o aloe vera sa industriya ng kosmetiko pamahid na pampaganda na karaniwang ginagamit ng mga babae, ngayon ay ginagamit nariin itong pang-gamot sa balat tulad ng paso, sugat at iba pa. Ang produktong ito ay nagbibigay ginhawa sa mga taong nangangailangan ng mabisang panggamot sa ini-indang karamdaman sa balat. Ang pinaka popular na pinaggagamitan ng aloe vera gel ay ang mga tigyawat na kalimitang nakikita sa mukha ng nagbibinata at nagdadalaga na.