Kalikasan


Makikita sa ating paligid ang pagkasira

Ating kalikasan ngayoy giba-giba

Mga punong putol-putol

Ang mga halamang nalalanta, 

Mga ilog na marurumi

At mga namamatay na isda


Subukan nating baguhin

At pag tuonan ng pansin

Kalikasan ay pangalagaan na

At wag nang sirain pa


Mag tanim ng mga kahoy sa paligid 

Upang sariwang hangin ating ma langhap

Iwasan ang pagtatapon ng basura kung saan-saan

Matutong itapon ito sa basurahan 


Linisin ang mga ilog at karagatan 

Baguhin ang mga masamang sistemang kinagisnan

Mahalin natin ang ating kalikasan

Dahil pag may sakuna ito ang ating sandingan


Mang hikayat ng iba

Para di ka nag iisa

Magkaroon ng magandang mithiin

Likas na yamay wag ng apihin


Itigil ang mga illegal logging 

At mag yes to tree planting 

Dahil Kagaya ng tao ang kalikasan 

Ay Nararapat ring alagaan. 









Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Aloe vera gel

Panibagong Ngayon